Sunday, February 6, 2011

SMV- Samahang Malalamig ang Valentines

Malapit na ang araw ng mga puso..

Isa ka ba sa SMV - Samahang Malalamig ang Valentines?

Huwag mag-alala...huwag malungkot...tuturuan kita ng mga diskarte
upang masabi mo sa iyong napupusuan na mahal mo siya o gusto mo lang siya.


SCENE I: Kung matalino ang crush mo...ipakita mo sa kanya kunwari nag-aaral ka ring mabuti.
Ito ang bagay sa'yo..



BOY: Alam mo ba sabi ng teacher ko na kapag ang tao ay natutulog, sya ay subconscious.

GIRL: Talaga?

BOY: Oo...ang subconscious ay parang iceberg...yung nakikita nating nakalutang yun ang conscious...yung nasa ilalim niya ang pinakamalaking parte...ganun ang subconscious.

GIRL: Ahhhh...ganun pala yun..

BOY: Kunwari nabato ka ng kaklase mo ng papel...conscious ka, pero dahil sa busy ka,
di mo nalang pinansin. Tapos nung natulog ka na, napanaginipan mo sya...
kasi yung subconscious mo..naalala sya.

GIRL: ang galing mo naman...nakikinig ka talaga ahh..

(o diba pogi points agad)

BOY: Kaya sabi ni sir, wag daw sabihin sa isang tao na napanaginipan mo sya.
Kasi iba daw iisipin nung tao.

GIRL: ano?

BOY: Na may gusto ka daw..kasi iniisip mu sya ehh.

GIRL: Oo nga anu..

BOY: Kaya pala napapanaginipan kita..ikaw pala pinakamalaking parte inisip ng utak ko.

...PANG!!!yan ang banat...mapapanaginipan ka na niya gabi-gabi...at magigising sya ara-araw na ikaw ang iniisip...o diba...may FACTS ka na, May LOVES ka pa..
o panu, sa susunod muli na mga payo mga SMV...^_^

No comments:

Post a Comment