Friday, April 15, 2011

Muling Pagbabalik

Huling blog ko nung 2nd week of February pa...anu-ano ang mga kadahilanan?

Walang pumapasok sa isip ko...
Kahit anung pilit ko...bumili na nga ako ng bagong notebook, papel, ballpen..ibat-iba pa
pero nung sisimulan ko na...isang tuldok lang ang naisulat ko.

Bumili ako ng Apad..yes its Apad..china made Ipad version...mura na sosyal ka pa..
pero hindi rin nakatulong...bukod amoy guma na dumagdag pa sa stress ko..

Sumabay pa ang Globe broadband ko..anak ng tofu...
sa simula lang pala..mabilis sa isang buwan..sa susunod..itapon mo na.

Hanggang sa tuluyang nawalan na ako ng gana para magsulat...para magblog..
nais kong maipamahagi ang aking kaisipan..at nais kong maging sikat..
Ngunit darating isang araw mawawala na lang bigla ang hilig mo.
Kahit anong pilit sa yo..kahit na may interesadong paksa para pag-usapan.

At ito, ako'y muling nagbalik...anu-ano din ang kadahilanan?

Bukod sa may bago akong netbook acer aspire one(wooh! kumpleto?)
bumalik ang wifi neighbor namin..THANK YOU LINKSYS!!!
Mabuhay ka!!!

At nagbabasa pala ng blog ko ang dating kong minahal..(chus!)
sinu ba naman ang di gaganahan diba..kahit apat lang ang follower ko..kung isa naman dun ang nagpapasaya sayo..taob isang milyon...

Sa mga nagbabasa ng blog ko..salamat..Ito na ang muling pagbabalik
Abangan ang mga susunod pa...^_^
gusto ko kayo HAPPY!!!

2 comments:

  1. ihanda ang red carpet, mga nkakasilaw na ilaw, mga daang daang camera. (drumroll) isang malaking maligayang pag babalik sa blogspot! haha, nice blog!
    oo nga amoy goma yung apad XD

    ReplyDelete
  2. Mabuhay nga ang linksys at nagbabalik sigla an mga bloggers hehe ipagpatuloy lan an buhay at laging my umagang darating, gigising ka sa gusto mo man o hindi!
    At palaging tatandaan, matitiis and hapdi ang kati'y hindi waaaaahhh
    pakidalaw http://www.zurcaledworld.blogspot.com ;-)pati n rin ang http://www.mearum.com cheerio!

    ReplyDelete