Wednesday, June 8, 2011

stop complaining

Habang nagdadialysis ako may pumasok sa pintuan ng dialysis center
pilit kong nilinawan ang aking paningin
dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakita
o hindi ko lang matanggap sa kalooban ko bakit may ganun

Isang bata na nakaupo sa wheelchair..
batang babae na may maliit na pangangatawan
may tusok sa leeg...may tusok sa kamay...

sa murang edad...dose anyos na dapat ay nag-aaral kasama ang mga kaklase
naglalaro kasama ang mga kaibigan
namamasyal kasama ang pamilya
hayun at kasama ang gamot at tusok ng karayom at ang tatlong beses na gamutan ng dialysis

masasabi ko bang naging masaklap sa kanya ang buhay...ang panahon?
may karapatan ba akong magtanong kung bakit ito nangyare sa kanya
gayong pareho lamang kami ng kapalaran?

Ngunit sa puso ko ako'y nalulungkot..
Alam kong hindi ko sya dapat kaawaan
dahil hindi naman niya ito hinihingi..
Marahil may dahilan ang lahat kung bakit nangyayare ang mga ganitong pagkakataon

at nasabi ko sa aking sarili.."maswerte pa pala ako"
Hindi ko dapat kaawaan ang aking sarili..ang nangyayare sa aking paligid


Ikaw kaibigan, anong meron ka sa buhay?
Malaking bahay? mamahaling kotse? magagarang damit at alahas?
pamilya? kaibigan? kabiyak?
ngunit naatim mo pa ring magreklamo?

Maghanap ng bagong kagamitan
maghanap ng bagong makakasama?
maghanap ng kung ano mang luho sa katawan..pangkamunduhan

Huwag magreklamo at maging negatibo sa buhay
Harapin ang mga pagsubok at mamuhay ng matiwasay
Isipin mong hindi lang ikaw ang nahihirapan
may mas pa...

Kaya STOP COMPLAINING!!!
Bagkos magpasalamat sa mga natatamong biyaya
Sa pagsikat ng araw at paglutang ng buwan...
At sa mga sandaling kasama mo sila =))

No comments:

Post a Comment