Wednesday, January 25, 2012

Pitong Araw

Pitong Araw na parang iyon lamang ang araw ng buhay ko
Pitong Araw na nagluluha ang mata at puso ko
Ako'y nasa kadiliman...Puno ng kalungkutan
Tinangka ang sariling buhay na ito'y wakasan

Pitong araw na akoy nakakulong sa isang kwarto
maliit...tahimik...madilim
Nakakatakot...napupuno ng poot
ang aking pagkatao'y kasamaan ang nababalot
Sa kabilang dako, gusto ko manatili sa kwartong iyon
pakiramdam ko ay kapayapaan
Ako lang mag-isa...payapa...tulala

Pitong Araw na hindi makagalaw
hindi ko mayakap ang sarili habang giniginaw
Kaliwat kanang tinutusukan ang aking kamay
Sa una masakit ngunit kalaunan ako'y nasanay
hanggang ang sakit ay naging parte na ng aking buhay

Pitong Araw na ako'y umiyak
walang nakakita...walang nakakaalam
Kung gaano kalakas ang paghagulgol
walang nakarinig walang nakaramdam
Gusto ko na may yumakap sa akin
Ngunit walang kasama walang karamay
Gusto ko iligtas ako at kunin sa kalungkutan na nararamdaman
pero walang nagtangkang dumamay
Pitong araw na akoy mag-isa
walang kasama walang kulay

Sa huling araw sa pitong araw ng aking kahinaan
nakita ko ang langit kasama niya ang ulap
tahimik silang naglalakbay
nakatingala lamang ako sa aking higaan
nakasilip sa bintana habang minamasdan ang bughaw na kalangitan
Nais ko muling lumuha ngunit wala ng dumaloy
kinapa ko ang aking dibdib para malaman kung tumitibok pa ang aking puso
nawala ang sakit na aking dinadamdam
naging payapa ang aking kalooban
hinawi ba aking nararamdaman ng Maykapal?

At sa Pitong Araw na nagdaan
Sa Pitong Araw na aking naranasan
ako'y naging matatag
sa kabila ng pagiging negatibo
nahanap ko ang liwanag
Alam ko ako'y mag-isa walang pamilya na kasama
Ngunit Alam ko na andyan ang may likha ng lahat
at ako'y kanyang binabantayan at hindi iiwan

No comments:

Post a Comment