Friday, June 10, 2011

Kaawaan ang sarili

Ang kaawaan ang sarili ang pinakamasakit na mararamdaman mo para sa iyong sarili..

Okey pa siguro kung kinakaawaan ka ng ibang tao kesa ikaw mismo ang makaramdam nito
Ito ang pakiramdam na ayaw ko..
dahil wala kang magawa kundi umiyak na lamang
Nakakababa ng personalidad...

Ngunit isang araw...sumikip aking dibdib
uminit aking katawan
biglang tumulo ang luha sa aking mata
patuloy sa pag agos...na para bang wala ng bukas
Paningin ko'y madilim...
ayoko...ayoko ng ganito
Wala akong magawa...bakit?
Hindi lang mata ang umiiyak, pati puso ko
Sa pagkabog...parang humihiyaw
ano ba magagawa ko? puro katanungan lang...
Ito na...nangyari na...masakit pero ito yung katotohanan..


Ito ang pakiramdam na kaawaan mo ang iyong sarili.

No comments:

Post a Comment