Sunday, June 26, 2011

Asan na ang katulong ko?

Its sunday...june 26,2011

Sabi ng tiyahin ko darating na daw ang makakasama ko sa dialysis at makakatulong ko sa mga gawain ko sa pang araw araw...
Sinabi niya yun nung Lunes pa...(june 20)
Pero anong petsa na?

Magpadala daw ako ng 500petot(pang pamasahe ng magiging katulong ko)
Ora orada...nagpadala ako
at ang sabi sa Martes daw darating...
Aba...express...ang bilis!!!
natuwa naman ako at hindi na ako mahihirapan magbuhat
maglalakad lakad (pambili gamot, pagkain at kung anu-ano pa)
Dumaan ang Martes...
pero walang dumating...okey lang baka bukas ng madaling araw na darating yun
sabi ko sa sarili ko...

At dumaan na ang Miyerkules...at Huwebes
Umulan ng malakas...bumagyo at bumaha na
Sabi ko ulit sa sarili...
"Baka naman walang masakyan at baha at stranded at wala nga masakyan..."
Yun nalang iniisip kong dahilan...

Biyernes...
Lalong lumakas ang ulan...wala ng pag-asa to
Sabado...
Humina...tanghali, nawala na ang ulan
kasamang tinangay ang pag-asa ko na darating pa sya
Ngunit muli sinabi ng tiyahin ko
"Darating na mamaya ang katulong mo"

Nung sinabi niya yun sakin...parang wa epek na
siguro di na nga ako umaasa...
At tama lang na di ko ginawa yon.
Dahil linggo na ngayon...
Asan na ang Katulong ko?



1 comment:

  1. Wag mag-alala at baka ang katulong ay nag-eensayo pa...
    Subukang muling maghintay at baka mamaya ay dumating na...
    Kung hindi naman ay may darating pang umaga...
    Subukang magdagdag ng 200 pa at baka ma-express padala...
    ;-)

    www.zurcaledworld.blogspot.com
    www.mearum.com

    ReplyDelete