Friday, June 10, 2011

3 kinds of medal in life

Naaalala ko pa yung kwento samin ng religion prof ko sa college...
may tatlong medal daw tayo matatanggap sa buhay...

Kapag nabubuhay ka pa at binisita ka ng mga kaibigan mo o mga taong mahahalaga sayo
Nang walang dahilan...nais ka lang nila makita
makausap...makakwentuhan o makasama kahit saglit lang
makakatanggap ka daw ng Gold medal.

At kung binisita ka naman nila ng dahil sa may sakit ka
o naospital ka o nabalitaang may nangyaring aksidente
Silver daw matatanggap mo...

At ang huli..bronze medal...kapag nasa ataol ka na
Dun ka lang binisita kasi nalaman nila namatay ka na
Kahit anong iyak o paghihinagpis nila
Hindi mo na rin naman malalaman dahil nasa taas ka na

ANG PUNTO...habang nabubuhay pa ang mga taong mahalaga satin
Ipakita natin sa kanila na mahalaga sila
Kasi pagnangulekta si Bro ng medal ano meron ka?

No comments:

Post a Comment